
Learning experience para sa Kapuso beauty na si Jenzel Angeles sa tuwing sasabak siya sa lock-in taping ng highly-anticipated sitcom ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer.
Simula sa December 26 bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho, mapapanood natin siya bilang mataray na clerk sa isang convenience store na si Rocky.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jenzel, aminado ito na bago sa kanya ang mundo ng comedy kaya malaki ang pasasalamat nito sa co-star niya sa show na si Ashley Rivera na tinutulungan siya sa kanyang mga eksena.
Kuwento nito, “Actually, even in person nakakatawa si Ashley, actually lahat sila. Ako 'yung taga tawa nila, ako 'yung audience nila ganyan.”
“Si Ashley, sabi lang niya, be yourself and of course always remember 'yung experiences in life. Kasi, 'pag nagkukuwento talaga siya like parang nandoon kayo, 'yung kuwento niya is nangyari lang kahapon. Tapos 'yung action niya [all-out],” saad ni Jenzel.
Bukod sa Happy ToGetHer, napapanood din si Ashley sa longest-running Kapuso gag show na Bubble Gang at viral din ang funny videos nito sa TikTok.
Dagdag ni Jenzel, may napansin din siya sa social media star kahit off-cam.
Aniya, “As in, nakakatawa rin siya in person, feeling ko dapat mas maging natural sa tao, kung gusto mo maging comedian or sumali sa mga sitcoms. Even out of set ma-practice mo rin.”
Bukod kay John Lloyd at Jenzel, mapapanood din sa Happy ToGetHer sina Carmi Martin, Jayson Gainza, Vito Quizon, at Miles Ocampo.
Makakasama din linggo-linggo sa comedy program sina Leo Bruno, Kleggy Abaya, Wally Waley, Eric Nicolas, at Janus del Prado.
Heto ang ilan sa happy moments sa taping ng Happy ToGetHer in this gallery.