GMA Logo Happy ToGetHer
What's on TV

Happy ToGetHer: Julian, approved kaya sa mga BFF ni Shelly?

By Aedrianne Acar
Published October 20, 2022 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cyrille Payumo wins Best in National Costume at Miss Charm 2025
CinePanalo student shorts winners to receive full scholarships, tuition discounts from APFI
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Happy ToGetHer


Huwag magpapahuli sa big announcement na may kinalaman sa pamilya nina Julian (John Lloyd Cruz) at Nanay Pining (Carmi Martin) this October 23!

Itotodo natin ang kilig with Julian (John Lloyd Cruz) at Shelly (Arra San Agustin) this Sunday night sa Happy ToGetHer!

Magbabalik ulit si Miss Model this week para ipakilala ang mga friends niya kay Julian na sina MJ at Gwen.

Mukhang kailangang mapatunayan ng daddy heartthrob na sincere siya sa feelings nito kay Shelly sa kaniyang mga kaibigan.

Pumasa kaya si Julian sa naiisip na “test” nina MJ at Gwen?

Samantala habang pumapag-ibig si Julian, problemado naman si Joey (Vito Quizon) sa kaniyang PE class at baka bumagsak ito.

Kinailangan tuloy ni Nanay Pining (Carmi Martin) na pumunta sa eskuwelahan para maayos ito dahil nalalapit na ang pag-alis nila papuntang New Zealand.

Oh, teka lang! Alam na ba ni Julian ang plano na ito Nanay Pining?

Bawal um-absent at baka ma-miss n'yo ang mas gumagandang kuwento sa Happy ToGetHer sa Sunday Grande sa gabi (October 23), before Running Man Philippines sa oras na 6:50 p.m..

MEET THE TALENTED CO-STARS OF JOHN LLOYD CRUZ IN THE HIT KAPUSO SITCOM HERE: