
Hinay-hinay sa plano mo Julian (John Lloyd Cruz) at makinig sa pamilya mo!
Sa upcoming episode ng Happy ToGetHer, interesado si Shelly (Arra San Agustin) sa job vacancy sa motorshop.
Ngunit, pinayuhan si Julian nina Eba (Ana Jalandoni) at Joey (Vito Quizon) na huwag hayaang maging magkatrabaho sila ng girlfriend dahil malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng isyu at mauwi sa pagtatalo.
Dapat ba makinig si Julian na bad idea na i-hire si Shelly?
At may isang babae from Julian's past ang magbabalik this Sunday night.
Exciting ang kulitan sa Sunday night sitcom, lalo na at makakasama natin sina Arra San Agustin, Faith da Silva, Miko Penaloza, Nour Hooshmand, Cessa Moncera at Nonong Ballinan!
Kaya nood na ng Happy ToGetHer, ngayong March 19 bago ang The Clash sa oras na 6:50 p.m..
TINGNAN DITO ANG NAGING LEADING LADIES NI JOHN LLOYD SA HAPPY TOGETHER: