GMA Logo Happy ToGetHer
What's on TV

Happy ToGetHer: Kylie Padilla, bibida bilang Bianca ngayong Linggo ng gabi

By Aedrianne Acar
Published May 18, 2023 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Happy ToGetHer


Heto ang pasilip sa episode ng 'Happy ToGetHer' ngayong May 21 sa Sunday Grande sa gabi.

Dadagsa ang mga nagagandahan at talented ladies sa episode ng Happy ToGetHer ngayong May 21.

Busy ang mga kaibigan ni Julian (John Lloyd Cruz) na tulungan si Rocky (Jenzel Angeles) para makapag-propose ito sa kaniyang boyfriend!

Dahil dito hihingi ng tulong si Pam (Ashley Rivera) sa mga kaibigan nito na sina Bianca (Kylie Padilla), Simone (Roxie Smith), at Danica (Keahnna Reyes).

'Yun nga lang 'tila iinit ang dugo ni Bianca nang makita ang guwapong daddy na hawak ang isang helmet.

Bago kasi sila nagkita, may nakaaway ang babae na suot ang kaparehong helmet. Ang hindi niya alam, ang taong ito ay walang iba kundi si Boss Mike (Jayson Gainza).

Patay! Mukhang maiipit si Julian sa isang away na wala siya kinalaman!

Alamin ang mangyayari sa Happy ToGetHer this weekend, dahil bibisita ang primetime actress na si Kylie Padilla, makakasama rin niya sina Sparkada beauty Roxie Smith, Keahnna Reyes, at Mike Penaloza.

Tutukan ang funny episode na ito sa oras na 6:50 p.m. ngayong May 21 sa Sunday Grande sa gabi.

MORE JAW-DROPPING PHOTOS OF KYLIE PADILLA HERE: