
Excited na makilala ni Nanay Pining (Carmi Martin) ang diumano'y rich at guwapong manliligaw ng kanyang anak na si Liz (Miles Ocampo) sa Happy ToGetHer.
Pero umpisa pa lang ay mapapa-abort mission na yata ang dalawa nang mamukaan ni Julian (John Lloyd Cruz) si Benjie (Khalil Ramos) na supervisor sa isang coffee shop.
Bakit ba naisipan ni Liz na i-introduce si Benjie sa kanyang nanay?
Alamin ang dahilan ng dalaga sa episode na ito ng Happy ToGetHer!
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa pilot episode ng Happy ToGetHer last January 23.
Julian reunites with the naked girl
Bawal magsinungaling kay Nanay Pining!
Job interview na may kasamang kilig
Ang Happy ToGetHer ay mula sa direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom at brainstormer na si Miles Ocampo.