
New Year, new love ba para sa single daddy na si Julian (John Lloyd Cruz) sa Happy ToGetHer?
Mukhang may irereto si Nanay Pining (Carmi Martin) kay Julian na isang magandang dalaga. Ito na ba ang pagkakataon ni Julian para muling umibig, matapos ang nangyari sa kanila ni Kim?
At itong si Pam (Ashley Rivera), busy sa raket niya na pag-live selling at sinamahan pa siya nina Liz (Miles Ocampo) at Rocky (Jenzel Angeles). Suwertehin kaya ang sexy secretary na kayod kalabaw para kumita ng extra?
Abangan ang unang pasabog ng Happy ToGetHer para sa 2022 with their stunning special guest Las Hermanas star Faith Da Silva!
Mas happy ang Sunday Grande sa Gabi with Julian sa Happy ToGetHer, bago ang award-winning news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho!