
Mukhang may dalang suwerte ang pagpunta ni Julian (John Lloyd Cruz) sa isang motor show, dahil nakilala niya si Ms. Model na si Shelly (Arra San Agustin).
Iba ang chemistry nina Julian at Shelly na napansin din ng mga netizen nang mag-viral ang bida natin matapos iligtas ang magandang model nang mahulog sa sasakyan.
Tuluyan na bang mahulog ang loob ni Mr. Mechanic (John Lloyd Cruz) kay Ms. Model?
Balikan ang isa na naman nakakakilig na episode ng Happy ToGetHer na napanood last October 2 sa video below.
Julian at Shelly, hindi kayo tao dahil BAGAY kayo!
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Kapuso sitcom below.
Pretty na, sexy na, brainy pa! That's my Shelly!
Ang tinik mo, Julian, para kang bangus!
Hinay-hinay sa kape para hindi magaya sa dalawang 'to!
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.