
May complaint na kakaharapin si Nanay Pining (Carmi Martin) matapos matulak ang isang person with disability.
Hangad tuloy ni Atty. Vasquez (Ina Feleo) na laywer ng biktima na magbayad si Nanay Pining sa kaniyang kliyente ng halagang Php 50,000 o mauwi sa kulungan.
Pumayag kaya si Julian (John Lloyd Cruz) sa deal na ito ni Atty. Vasquez o mas susundin niya ang payo ni Emman (Empoy Marquez) na handa i-represent ang kaniyang mother-in-law?
Balikan ang mga nangyari sa high-rating episode ng Happy ToGetHer last September 25 sa video below.
Nanay Pining, himas rehas era?!
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Kapuso sitcom below.
Emman, ang abogadong libre ang serbisyo
Senior citizen, nanulak ng PWD?!
Paano maging genius? Magpa-bukol na!
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.