
Pretty at mestiza ang bagong kapitbahay ni Nanay Pining (Carmi Martin) na si Vivian (Ashley Ortega).
Para maganda ang first impression nito kahit bagong lipat sa kanilang lugar, gumawa ng masarap na putahe ang mother-in-law ni Julian (John Lloyd Cruz) para kay Vivian.
Kaso, mukhang hindi bet ng dalaga ang pagkain at mukhang ekis din si Nanay Pining na sumali sa Zumba class na gagawin ni Vivian sa barangay.
Mauwi kaya sa away ang dalawa?
Balikan ang mga nangyari sa high-rating episode ng Happy ToGetHer last August 21 sa video below.
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Kapuso sitcom below:
Julian bilang si James Bondoc
Julian, wala raw ethics?!
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.