
Ramdam ang tindi ng summer sa Maligaya sa Sunday episode ng Happy ToGetHer.
Mas aakyat pa ang temperatura lalo na sa motor shop sa pagdating ng sexy babe na si Amy (Analyn Barro).
Iha-hire ni Boss Mike (Jayson Gainza) si Amy at 'tila magiging threat ang magandang dalaga kay Pam (Ashley Rivera).
Magugulo ba ang buhay ni Julian (John Lloyd Cruz) at mga katrabaho niya sa motorshop sa rivalry nina Pam at Amy?
Alamin ang mangyayari sa exciting episode na ito ng hit sitcom dahil makakasama nila sina Analyn Barro, Ayeesha Cervantes, Cessa Moncera, at Mike Penaloza bilang guest this weekend.
Nood na with the whole family at mag-bonding habang nakatutok sa Happy ToGetHer sa oras na 6:50 p.m. sa Sunday Grande sa gabi.
MORE SEXY PHOTOS OF 'BUBBLE GANG' STAR ANALYN BARRO: