
Mapapahingi ng tulong ang guwapong daddy na si Julian (John Lloyd Cruz), matapos ma-stuck sa isang elevator kasama ang mga cosplayers na naka-zombie costumes.
Pero, 'tila yata masusubukan ang pasensya ng bida natin sa mga teens na ito na hindi mapigilang tawagin siyang “manong” o 'di kaya “tito.”
Sensitive ka lang ba Julian?
At makahanap kaya sila ng solusyon kung paano makakalabas sa sirang elevator.
Tunghayan ang guesting ng Sparkle Sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa Happy ToGetHer with Elias Point at Hailey Mendes!
Bubuhos ang good vibes mga Kapuso sa Sunday Grande sa gabi with Julian and the whole gang sa Happy ToGetHer, before Kapuso Mo, Jessica Soho sa May 8!