
Gusto ni Julian (John Lloyd Cruz) na lalo pang mapataas ang kita ng kanilang motorshop, kaya nag-suggest ito kay Boss Oca (Leo Bruno) na mga puwedeng gawin para mangyari ito.
Isa na rito ang pagtanggal diumano sa isang wala nang pakinabang na narinig naman ni Andy (Wally Waley).
Siya ba ang pinatutungkulan ni Julian o si Mike (Jayson Gainza)?
At sino naman ang pretty customer na nakilala ni Julian na may matinding hugot sa ex-boyfriend?
Balikan ang naging guesting ng Kapuso beauty queen na si Michelle Dee sa nakaka-happy na Happy ToGetHer sa sa video below.
Happy Together: Si Julian, may tatanggalin empleyado?! | Episode 11
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Happy ToGetHer last March 6.
TG, nasa'n ka na?!
TG, magnanakaw ng ensaymada?
Tipid-kuryente tips muna, Liz!
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.