
Paparating na ang Christmas gift ng Kapuso Network this December!
Sa darating na December 26, mapapanood na sa Sunday Grande sa Gabi ang world premiere ng sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer.
Tiyak mamahalin n'yo ang role ni John Lloyd bilang heartthrob daddy na si Julian. At para sa grand pilot episode sa Linggo, makikisaya ang The World Between Us actress na si Jasmine Curtis-Smith.
Source: GMA Network
Ano kaya ang magiging papel ni Kim (Jasmine Curtis-Smith) sa buhay ni Julian?
Paano niya tatanggapin na si Julian may ex-wife na?
Heto ang paunang silip sa world premiere ng Happy ToGetHer, bago ang episode ng internationally-acclaimed Kapuso Mo, Jessica Soho.
Heto ang pasilip sa lock-in taping ng Happy ToGetHer sa gallery below.