
Tuwang-tuwa ang pamilya at kaibigan ni Julian (John Lloyd Cruz), matapos ang kanilang bakasyon sa Boracay.
Pero sa pag-uwi nila, mukhang masasangkot si Andy (Wally Waley) sa isang gulo!
Isang magandang babae ang mag-aakusa sa katrabaho ni Julian na siyang kumuha ng kaniyang relos sa airport.
May sapat bang ebidensiya ito para idiin si Andy?
Samantala, may mawawala namang gamit sa bahay ni Nanay Pining (Carmi Martin) matapos ang kanilang summer vacation.
Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Pining na si Joey ang nakaiwang bukas ang kanilang pinto sa bahay?
Extra beautiful ang Sunday primetime n'yo, dahil makikisaya this weekend ang beauty queen-turned-actress na si Thia Thomalla!
Abangan ang role niya sa Happy ToGetHer, ngayon June 5, before Kapuso Mo, Jessica Soho.
Alamin kung sinu-sino ang co-stars ni John Lloyd Cruz sa hit Kapuso sitcom sa gallery na ito.