Celebrity Life

#HappyBuntis: Rochelle Pangilinan talks about her pregnancy

By Jansen Ramos
Published October 29, 2018 3:41 PM PHT
Updated October 29, 2018 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



"Dati takot akong magbuntis, takot ako kasi..." Alamin ang kuwentong-buntis ni Kapuso Rochelle Pangilinan.

Nagkwento ang soon-be-mom na si Rochelle Pangilinan tungkol sa kanyang pagbubuntis.

LOOK: Rochelle Pangilinan, buntis na!

Ibinahagi ng Onanay star sa kanyang Instagram account ngayong Lunes, October 29, ang mga pagbabagong kanyang nararanasan.

Bungad niya sa kanyang caption, "Isa sa magandang karanasan ng pagiging ganap na babae ang 'di ko malilimutan itong stage na to, ang mabuntis.

"Sa unang 3 buwan, hindi mo maintindihan ang katawan, parang may lagnat ka, hindi makakain o namimili ka ng kakainin, nasusuka na ewan,

"Acually hindi ko masabi kung ano ang masakit sa kin, maraming kang ayaw marami kang gusto na kakaiba,

"Katulad ko, bigla na lang ayaw kong makita o maamoy si Art, pero kapag umalis s'ya tatawagan ko s'ya na naiiyak pa ko kasi wala sya, lungkot na lungkot lang ang pakiramdam, sa 9 yrs naming naging magbf-gf ni Art at 1 year na kasal, biglang ganun na lang, kaloka!

"Sa pagkain, lahat ng prutas ay gusto ko, pero tanging siopao, dalandan at cinnamon roll ang paulit ulit kong kinakain."

Gayunpaman, ine-enjoy na lang ni Rochelle ang makabuluhang prosesong ito para paghandaan ang pagdating ng kanyang first baby.

LOOK: Rochelle Pangilinan continues exercise while pregnant

Saad niya, "Ibang klase si God, ginawa n'yang automatic na naghahanda ang katawan ng babae para magluwal ng tao kaya nandun ang sumasakit ang balakang,likod, mainit ang dibdib mo lagi kasi daw nagkakagatas na, naging sensitive ang balat, lumaki ang paa, laging tulog, malakas at mabilis ang heartbeat, kung may masakit man sa'kin itatawa ko lang.

"Katulad ng sabi ng Doctor, happy hormones lang ang gamitin dahil para syang pain reliever ng buntis,effective!"

"Papakingggan ko lang kung ano ang gusto ko, parang instant 'yun na 'yun ang kailangan ni baby sa oras na 'yun, ganun pa man iba iba pa din ang karanasan sa pagbubuntis ng bawat babae.

"Ngayon, may gumagalaw na sa loob ng tiyan ko, minsan weird s'ya kung iisipin para kang may aquarium sa loob ng tiyan! Haha!? Pero ibang klase ang miracle ni God kung paano unti unti s'yang nabubuo sa loob ng tiyan ko, isipin mong kaya kong gumawa ng tao?!"

Inamin din ng 36-year-old actress na takot siyang magbuntis noon pero ngayon, tila mas lamang na ang kanyang excitement para makilala si Baby Solinap.

"Dati takot akong magbuntis, takot ako kasi sobrang masakit daw manganak ayon sa mga kaibigan, ngayon naman ay parang excited na kong manganak kasi nakikita namin si baby lagi, stage by stage," kuwento niya.

Sa dulo ng kanyang post, ibinahagi niya ang kanyang wish para sa kanyang baby. Aniya, "Ang gusto lang namin ay maging healthy s'ya, kumpleto ang body parts at maging good follower sya ni God paglaki nya."

Dagdag pa ni Rochelle, "Blessed ako dahil hindi ako pinahirapan sa pagbubuntis at binigyan ako ni God ng mabuting asawa, 'yung laging nandyan, gabi gabi bago s'ya matulog, sinisigurado n'yang ok ako, kasama sa lahat ng bagay saan man ako pumunta. Ngayon,excited na kaming malaman ang gender ni baby! Malapit na!"

Netizens guess the gender of Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap's first baby

May kwento ako.☺️ Isa sa magandang karanasan ng pagiging ganap na babae ang di ko malilimutan itong stage na to,ang mabuntis.Sa unang 3 buwan hindi mo maintindihan ang katawan,parang may lagnat ka,hindi makakain o namimili ka ng kakainin,nasusuka na ewan,actually hindi ko masabi kung ano ang masakit sa kin ,maraming kang ayaw marami kang gusto na kakaiba,katulad ko,bigla na lang ayaw kong makita o maamoy si art,pero kapag umalis sya tatawagan ko sya na naiiyak pa ko kasi wala sya,lungkot na lungkot lang ang pakiramdam,sa 9yrs naming naging magbf-gf ni Art at 1 year na kasal,biglang ganun na lang,kaloka!sa pagkain,lahat ng prutas ay gusto ko,pero tanging siopao,dalandan,at cinnamon roll ang paulit ulit kong kinakain. Ibang klase si God,ginawa nyang automatic na naghahanda ang katawan ng babae para magluwal ng tao kaya nandun ang sumasakit ang balakang,likod, mainit ang dibdib mo lagi kasi daw nagkakagatas na,naging sensitive ang balat,lumaki ang paa,laging tulog,malakas at mabilis ang heartbeat,kung may masakit man sa kin itatawa ko lang,katulad ng sabi ng Doctor,happy hormones lang ang gamitin dahil para syang pain reliever ng buntis,effective!papakingggan ko lang kung ano ang gusto ko,parang instant yun na yun ang kailangan ni baby sa oras na yun,ganun pa man iba iba pa din ang karanasan sa pagbubuntis ng bawat babae.Ngayon,may gumagalaw na sa loob ng tyan ko,minsan weird sya kung iisipin para kang may aquarium sa loob ng tyan! Haha!pero ibang klase ang miracle ni God kung paano unti unti syang nabubuo sa loob ng tyan ko,isipin mong kaya kong gumawa ng tao?! ... dati takot akong magbuntis,takot ako kasi sobrang masakit daw manganak ayon sa mga kaibigan,ngayon naman ay parang excited na kong manganak kasi nakikita namin si baby lagi,stage by stage.Ang gusto lang namin ay maging healthy sya,kumpleto ang body parts at maging good follower sya ni God paglaki nya.Blessed ako dahil hindi ako pinahirapan sa pagbubuntis at binigyan ako ni God ng mabuting asawa,yung laging nandyan,gabi gabi bago sya matulog,sinisigurado nyang ok ako,kasama sa lahat ng bagay san man ako pumunta.Ngayon,excited na kaming malaman ang gender ni baby! Malapit na! 🤗

A post shared by rochellepangilinan (@rochellepangilinan) on