Celebrity Life

Hard work pays off for Jake Vargas

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 3, 2020 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Jake na hindi naging madali para sa kanya ang makapasok sa showbiz. 
By AEDRIANNE ACAR


Nanatiling humble pa rin ang former teen royalty at mainstay ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento na si Jake Vargas.

Aniya hindi naging madali ang pinagdaanan niya sa showbiz para mapahusay pa niya ang kanyang talento sa pag-arte.

Sa katunayan, walang sawa pa rin si Jake sa pag-aaral kung papaano higit na mapagbubuti ang kanyang trabaho at lagi daw siyang humingi ng advice sa mga co-stars niya.

“Marami akong pinagdaanan talaga, 'tsaka higit doon nagsimula ako sa wala eh. So parang lahat ng galaw, lahat ng acting tinitignan ko ‘yung mga co-workers ko, paano nila ginagawa ng tama, so humihingi rin ako ng advice sa kanila.”

Dagdag pa ng binata isa sa pinakamahalagang natutunan niya ay ang pagiging professional at kailangan ng tiyaga para mag-improve ang kanyang pag-arte.

“Unti-unti kong natutunan ‘yung pagiging professional sa showbiz. So talagang mahirap din para sa akin ‘yung umpisa, pero habang tumatagal nakukuha ko na. Medyo nagiging okay na. Pero talagang tiyaga lang talaga, kailangan ng tiyaga.”