
Kaabang-abang ang mga tagpo sa family drama series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, at Cassy Legaspi.
Sa teaser na ipinalabas ng GMA Network ngayong Biyernes (December 12), ipinasilip ang muling magkikita ang mag-amang Cris (Zoren Legaspi) at Tyrone (Mavy Legaspi).
Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Tyrone na nagkakilala na sila ni Cris dahil siya ang nakapulot ng wallet nito noon sa Santa Ines. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang muling pagkikita?
Abangan lamang 'yan mamaya sa Hating Kapatid!
Subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Stellar cast ng 'Hating Kapatid', ipinakilala sa media conference