
Naghatid ng good vibes ang Hating Kapatid stars na sina Cheska Fausto at Juharra Asayo sa netizens nang magsama sila sa isang fun video.
Sa naturang serye, gumaganap si Cheska bilang Thalia habang binigyang-buhay naman ni Juharra ang young version ng nasabing karakter.
Ibinahagi ni Cheska sa kanyang Instagram account ang video nila ng child star kung saan sila'y kumasa sa isang masayang trend.
“Dalawang Tally,” sulat niya sa caption.
Makikita naman sa comments section na natuwa ang netizens sa pagsasama ng dalawang aktres sa video.
Kasalukuyang napapanood si Cheska Fausto bilang Thalia sa Hating Kapatid.
Subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
SAMANTALA, KILALANIN SI CHESKA FAUSTO SA GALLERY NA ITO.