
Hindi lamang sa telebisyon tinututukan ng mga manonood ang family drama series na Hating Kapatid kundi pati online.
Sa katunayan, umani ng higit one billion ang video views ng naturang serye, na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, across all social media platforms.
Sulat sa caption ng GMA Drama: "1 BILLION VIEWS and counting! Maraming salamat sa walang sawa n'yong pagmamahal at pagsuporta, mga Kapuso!"
Bukod dito, sa naging panayam ng GMANetwork.com kay Cassy, na gumaganap bilang Belle, ibinahagi niya ang mga dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang pinagbibidahang afternoon drama series.
"Meron pa ring maraming plot twists kahit na papunta na sa finale. Trust me, marami pa guys, marami pa. Siguro akala n'yo ay tapos na 'to, hindi pa guys. Marami pang revelations and plot twists. So abangan n'yo po 'yan sa Hating Kapatid," kwento niya.
Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG FUN MOMENTS OFF-CAM NG HATING KAPATID CAST SA GALLERY NA ITO: