GMA Logo Hating Kapatid art card
PHOTO COURTESY: GMA Drama (Facebook)
What's on TV

'Hating Kapatid' garners 1 billion views across social media platforms

By Dianne Mariano
Published March 10, 2026 9:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hantavirus cases from cruise outbreak now at 13 with new case in Spain — WHO
Raps filed vs brothers who stole streetlight bulbs in Iloilo town
New beachfront hotel to rise in Panglao

Article Inside Page


Showbiz News

Hating Kapatid art card


Mga Kapuso, marami pang dapat tutukan sa nalalapit na finale ng GMA Afternoon Prime series na 'Hating Kapatid.'

Hindi lamang sa telebisyon tinututukan ng mga manonood ang family drama series na Hating Kapatid kundi pati online.

Sa katunayan, umani ng higit one billion ang video views ng naturang serye, na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, across all social media platforms.

Sulat sa caption ng GMA Drama: "1 BILLION VIEWS and counting! Maraming salamat sa walang sawa n'yong pagmamahal at pagsuporta, mga Kapuso!"

Bukod dito, sa naging panayam ng GMANetwork.com kay Cassy, na gumaganap bilang Belle, ibinahagi niya ang mga dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang pinagbibidahang afternoon drama series.

"Meron pa ring maraming plot twists kahit na papunta na sa finale. Trust me, marami pa guys, marami pa. Siguro akala n'yo ay tapos na 'to, hindi pa guys. Marami pang revelations and plot twists. So abangan n'yo po 'yan sa Hating Kapatid," kwento niya.

Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG FUN MOMENTS OFF-CAM NG HATING KAPATID CAST SA GALLERY NA ITO: