
Mga Kapuso, mapapanood na mamaya ang pinakabagong handog ng GMA sa Afternoon Prime, ang Hating Kapatid.
Ang naturang serye ay pagbibidahan ng Legaspi family na sina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, at Cassy Legaspi.
Bibigyang-buhay ni Carmina ang role bilang Roselle habang si Zoren naman ay gaganap bilang Cris.
Samantala, gagampanan ni Mavy ang karakter bilang Tyrone habang si Cassy naman ay makikilala bilang Belle.
Kabilang din sa stellar cast ng Hating Kapatid sina Valerie Concepcion, Cheska Fausto, Vince Maristela, Bobby Andrews, Glenda Garcia, Lovely Rivero, Leandro Baldemor, Chuckie Dreyfus, Faye Lorenzo, Mercedes Cabral, Mel Kimura, Ariel Villasanta, at marami pang iba.
Abangan ang world premiere ng Hating Kapatid mamayang 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng It's Showtime
Bukod sa telebisyon, mapapanood din ang serye online via Kapuso Stream sa Facebook at YouTube.
BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HATING KAPATID SA GALLERY NA ITO: