
Patuloy na tinututukan ng mga manonood ang matitinding mga tagpo sa family drama series na Hating Kapatid.
Sa katunayan, umani ng milyon-milyong views online ang mga eksena sa pagitan nina Roselle (Carmina Villarroel), Tally (Cheska Fausto), at Melania (Mercedes Cabral) sa recent episode ng naturang serye.
"Tinutukan ng lahat ang dasurb moment ng mag-inang Melania at Tally! Thank you, mga Kapuso!" sulat sa Facebook post ng GMA Drama.
Sa episode ng Hating Kapatid nitong March 10, matatandaan na isinauli na ni Roselle si Tally sa tunay nitong ina na si Melania, matapos malaman na matagal na palang alam ng dalawa na si Belle ang totoo niyang anak.
Bukod dito, nakakuha ng one billion views and counting ang videos ng Hating Kapatid across all social media platforms.
Subaybayan ang nalalapit na pagtatapos ng Hating Kapatid, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Related content: Fun off-cam moments on the set of 'Hating Kapatid'