
Inabangan at tinutukan ng mga manonood ang recent episode ng family drama series na Hating Kapatid.
Sa katunayan, umani ng mahigit 2 million views sa GMA Drama Facebook page ang eksena sa pagitan nina Belle at Thalia na ginagampanan nina Cassy Legaspi at Cheska Fausto.
Sa naturang eksena, nagharap at nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nina Belle at Thalia matapos ang naganap na swimsuit competition ng sinalihan nilang beauty pageant, kung saan nanalo ang una.
Sa pag-uusap ng dalawa, labis ang galit at pinagbintangan pa ni Thalia na nandaya si Belle kaya siya ang nanalo sa kompetisyon. Dahil dito, tinulak ni Thalia si Belle sa ilog at tinulungan ni Tyrone (Mavy Legaspi) ang dalaga.
Balikan ang nakaraang episode ng Hating Kapatid sa video na ito.
Subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Stellar cast ng 'Hating Kapatid,' ipinakilala sa media conference