
Hindi lamang sa telebisyon sinusubaybayan ng mga manonood ang family drama series na Hating Kapatid kundi maging online.
Katunayan, umani ng milyon-milyong views ang recent episode ng naturang serye. Ayon sa Facebook post ng GMA Drama, nakakuha ng higit 19 million views ang 96th episode ng Hating Kapatid across social media platforms.
Sa nasabing episode ng afternoon drama series, na ipinalabas noong February 11, inilahad ni Melania (Mercedes Cabral) sa lahat na siya ang tunay na ina ni Tally (Cheska Fausto) at sinabing alam na rin ito ng huli. Napanood din dito ang pagpapalayas nina Jacinta (Glenda Garcia) at Roselle (Carmina Villarroel) kay Darius (Leandro Baldemor) matapos malaman ang panloloko nito.
Bukod dito, umani rin ng milyon-milyong views ang clips mula sa 95th episode ng Hating Kapatid, kung saan nahuli ni Roselle ang pagtataksil sa kanya ni Darius.
Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Related content: Stellar cast ng 'Hating Kapatid,' ipinakilala sa media conference