
Ngayong Miyerkules sa Hating Kapatid, magkukrus na ang landas ng tunay na mag-ina!
Sa teaser na inilabas ng GMA Network sa telebisyon at online, ipinasilip ang pag-uusap nina Roselle (Carmina Villarroel) at Aling Sefa (Lui Manansala) kung saan sinabi ng una na buo ang kanyang pagmamahal kay Tally (Juharra Asayo) ngunit hindi niya pwedeng basta balewalain ang katotohanan.
Ipinakita rin dito ang pagkikita nina Roselle at ni Belle (Ericca Laude) matapos tila madapa ang huli.
Ano kaya ang mangyayari sa pagkikita ng totoong mag-ina?
Alamin lamang 'yan mamaya sa Hating Kapatid, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang naturang family drama series online via Kapuso Stream.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HATING KAPATID SA GALLERY NA ITO.