
Naghatid ng all-out saya ang ilang cast ng upcoming GMA drama series na Hating Kapatid sa naganap na Kapuso Fiesta sa Calaca City, Batangas.
Sa Instagram posts ng GMA Regional TV, pangmalakasang performances ang hatid nina Kapuso stars Mavy Legaspi, Angel Leighton, Cheska Fausto, at Vince Maristela na nagbigay ng saya at kilig sa mga Calacazen.
Bukod sa Hating Kapatid cast, naghatid din ng saya at good vibes ang cast ng GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR, pati ang Kapuso comedian na si Pepita Curtis at dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Charlie Fleming.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'HATING KAPATID' SA GALLERY NA ITO.