
Double the fun and double the drama ang aabangan sa Friday episode ng Family Feud!
Ngayong Biyernes, October 10, mapapanood ang tapatan ng cast ng GMA Network's newest Afternoon Prime soap na Hating Kapatid.
Ang Team Tyrone ay pangungunahan ni Mavy Legaspi. Makakasama niya sa exciting survey showdown ang PBB Celebrity Collab Edition alum na si Vince Maristela, at ang veteran actors na sina Bobby Andrews at Leandro Baldemor.
Si Cassy Legaspi naman ang tatayong leader ng Team Belle. Kasama niya sa paghula ng top answer sa survey board ang Bubble Gang mainstay na si Cheska Fausto, Valerie Concepcion, at ang award-winning actress na si Mercedes Cabral.
Tapatan ng Legaspi twins at ng co-stars nila sa Hating Kapatid ang maghahatid ng good vibes sa Family Feud ngayong Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: