
Mapapa-throwback ang mga fans ng veteran stars na sina Coney Reyes at Tirso Cruz III, matapos mag-post sa Instagram ang magaling na aktres ng kanilang larawan habang nagti-taping.
Sa Instagram post ng Victor Magtanggol star, kuha ang larawan nila ni Tirso habang nagpa-praktis sila ng kanilang mga lines.
“Going over our lines during a taping many years ago... Throwback photo... Look what i found @lynncruz525 @tirsocruziii That must have been in either #SilaSaBuhayniTirso or #ConeyReyesonCamera #heywewereyoungonce🤪 @lamumar @bodiecruz”
Ilan namang celebrities ang nag-react sa throwback photo na ito ni Coney, tulad nina Aiko Melendez at Agot Isidro.
Tutukan ang pagganap ng versatile actress na si Ms. Coney Reyes bilang si Vivienne sa higanteng telefantasya series na Victor Magtanggol, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.