
Marami na ang nakasabay sa beat ng pinakabagong dance craze na “Hawak Mo ang Beat.”
Ngunit sa likod ng Tagalog at napaka-Pinoy na lyrics, ang composer ng hit song ay isang French national.
Sa March 22 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ipinakilala ang composer ng pinakabagong dance craze na si DJ Mogo, o ang French national na si Sylavain Hernandez.
Dito, ibinahagi niya kung papaano niya nabuo ang kanta: “I had those notes in my mind from the cha-cha of Leyte until, like, the very heavy drums of the 'Budots' style. Here came 'Hawak Mo ang Beat.'”
Ayon kay Sylavain, gusto lang niyang gumawa ng musical pero “not heavy.”
Pag-amin niya, naging mahaba ang proseso ng paggawa niya ng kanta. Sa katunayan, nag-umpisa pa siya sa paggamit ng French words para dito:
“Then, I asked my dear wife. The musicality came, the beats arrived, the words arrived. I did use some very high-standard software. I used, of course, electronic software, which helped me to create the beat,” sabi ni Sylavain.
Palaisipan din kung siya nga ba ang maririnig na kumakanta. Tumanggi si Sylavain sagutin ito. Aniya, pananatilihin niya muna itong sikreto at hihintayin kung saan tutungo ang awitin.
Sa ngayon, masaya lang ang composer ng naturang kanta na hindi inasahan ang pagsikat nito at maraming dance covers.
“You make me super happy. Now the song is part of the soul of the Filipino people. Everyone is giving a true power to it, a true life to it,” sabi niya.
BALIKAN ANG IBA'T IBANG DANCE COVERS MULA SA 'STARS ON THE FLOOR SEASON 1' CAST SA GALLERY NA ITO:
Samantala, ayon sa music producer na si Gian Vergel, noong una pa lang niyang narinig ang kanta ay alam na niyang gawa ito ng artificial intelligence o AI.
“Nu'ng una kong marinig 'yung song, it's obviously AI. So ang advantage niya, first is mas mabilis makapag-create ng music. Ang disadvantage niya, siyempre, mababawasan 'yung work or kita ng mga composer,” sabi ni Vergel
Ngunit paglilinaw ni Salvain, “It's not AI at all. I do understand if there are some comments on social media asking if it's AI. Because of this song, I did it in a very, very simple way to reflect the feelings that I have.
Panoorin ang panayam kay Sylavain dito: