GMA Logo Doc Willie Ong
What's Hot

Doc Willie Ong, may update sa lagay ng kaniyang kalusugan

By Kristian Eric Javier
Published September 23, 2024 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Doc Willie Ong


Alamin ang lagay ng kalusugan ngayon ng Doktor ng Bayan na si Doc Willie Ong.

“It's 50-50 e, 50 percent to live a few more months, a year, 50 percent, anytime baka hindi na huminga.”

Ito umano ang diagnosis sa Doktor ng Bayan na si Doc Willie Ong matapos ma-diagnose ng sarcoma o cancer na nagsisimula sa buto at soft tissues.

Kamakailan lang ay ipinaalam ni Doc Willie ang kaniyang kalagayan sa pamamagitan ng isang YouTube vlog kung saan ibinahagi niya ang mga sintomas, naranasan, at determinasyon para labanan ang cancer.

Kinumpirma rin ni Doc Willie sa kaniyang vlog na may nakitang sarcoma tumor ang kaniyang mga doktor sa kaniyang abdomen na may laking 16x13x12cm. Aniya, hindi niya natuklasan ang tumor dahil nakatago ito sa likod ng kaniyang puso at sa harap ng kaniyang T10 spine.

Sa pangangamusta ng Kapuso Mo, Jessica Soho kay Doc Willie sa episode nitong Linggo (September 22), sinabi niyang nasa Singapore siya ngayon para magpagamot. At nang tanungin siya kung ano ang diagnosis sa kaniya ng mga doktor doon, sinabi niyang 50-50 ang lagay niya.

“Parang walang kasiguraduhan na e, everyday is a blessing. I just live every day, I don't think of next month, next year, I don't think about owning money, doing this, or getting into a high position. I got the worst pain, it's 10 out of 10, Jessica,” sabi ni Doc Willie sa host na si Jessica Soho.

Aniya, hindi sila nakatulog noong nakaraang gabi ng kaniyang asawa na si Doc Anna Liza Ramoso-Ong dahil sa kaniyang pagsigaw sa sobrang sakit na dulot ng bukol sa kaniya.

Pagpapatuloy pa ng Doktor ng Bayan, “If someboy told me he will give me Dormicum and let me sleep it off and die, okay na sa akin. I would've taken it. Kaya siguro pag-isipin natin 'yung mga euthanasia, kung talagang hirap na hirap na e. Minsan sobra rin tayong mag-prolong ng life, baka hindi naman talaga 'yun ang mission [in life].”

Kuwento pa ni Doc Willie ay napapanaginipan na niya ang kaniyang ina na ayon sa kaniya ay pumanaw two years ago. Aniya, “'Yung mommy ko sa dream ko, kinukuha na niya ako. She called me, 'Willie boy, come to me!' Parang sabi ng nanay ko, 'You've done your job on Earth. Ginawa mo ng 60 years e,'” pagpapatuloy ng doktor.

Ayon kay Dr. Jennifer De Castro-Mercado, isang surgical oncologist, maaaring manggaling ang cancer sa genetic mutation lalo na kung may mga kamag-anak ang isang tao na nagkaroon na nito. Malaki rin ang tsansa na magkaroon ng cancer kung na-expose ang isang tao sa mga environmental factors tulad ng radiation at exposure sa mga kemikal.

Paglilinaw ni Doc Jennifer, “Wala pong kinalaman ito sa pagkain, basta lang siya nangyayari.”

TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA MAY KAKAIBA RING SAKIT SA GALLERY NA ITO:

Para kay Doc Willie, ang mga negatibong komento at bashing dahil sa pagtakbo niya noon sa 2020 elections ang maaaring dahilan ng pagkakaroon niya ng tumor. Ngunit biro ng doktor ay baka nababawasan na ang pangba-bash sa kaniya ngayong may sakit siya.

“Kasi ngayon medyo kita mo, puro 'I pray for you,' na ngayon, e. Bumabait na socmed, e. At saka tumatapang na ako ngayon. I mean, what have I got to lose? Play it by ear lang ako, kapag nabuhay ako, tutulong ako,” sabi niya.

Samantala, sinabi naman ni Doc Jennifer na malaking factor rin ang stress sa pagkakaroon ng cancer dahil bukod sa nakakabawas ito ng lakas, nakakapagpababa rin ito ng immune system. Pero paglilinaw niya, “Wala po siyang direct cause ng cancer. Stressed ka kaya ka nagkaka-cancer, wala pong ganu'n.”

“Ang magagawa lang po natin sa mga sarcoma na madaling makita dahil may bukol ka na lumalaki, 'wag mo nang hintayin na lumaki ng todo-todo bago mo ipatingin sa doktor. Pero po 'yung mga katulad po ng mga bukol na nasa loob, siguro po ay 'wag na lang po natin baliwalain 'pag may mga sintomas tayo na akala mo lang masakit ang likod mo pero persistent, 'wag natin baliwalain,” sabi niya.

Sa ngayon, masasabi ni Doc Willie na “100 percent, I'm sure” na may ipapagawa pa ang Panginoon sa kaniya dito sa mundo kaya siya umano binuhay. Ngunit sinabi rin niya na handa na siya sa kung ano man ang sasabihin na resulta sa kaniya.

“Kapag sinabing walang pag-asa, eh, 'di tapos. That's it, pansit. Ang grade ko lalabas sa October 9. PET scan repeat. Tatlo lang ang sagot. Minsan maganda na hindi mo na iniisip eh, 'di ba? Sabihin mo na lang, 'Bad news,'” sabi ng doktor.

Healthcare in the Philippines

Kahit may sakit na at may pinagdaraanan, hindi pa rin umano maiwasan ni Doc Willie na tulungnan ang mga tao sa probinsya at mahihirap na may sakit. Kaya naman pinuna rin niya ang kakulangan sa healthcare sa Pilipinas na naranasan niya mismo.

“Alam mo, nagi-guilty talaga ako dito e, Jessica. Dapat mamamatay na ako sa Philippines. I was sure I would be dead in three to four days kasi ang bagal ng health care natin. 'Yung biopsy result, I have to wait one to two weeks. Dito, biopsy nila, half day nandiyan na!” kuwento ni Doc Willie.

Aminado rin ang Doktor ng Bayan na nagulat siya sa mga pulitiko na pumupunta doon para magpagamot.

Pag-alala niya, “Sabi ko, 'If the politicians are coming here, hindi ba kayo naawa sa kababayan natin?'”

Inisa-isa rin ni Doc Willie ang mga advantages ng healthcare ng ibang bansa kumpara sa Pilipinas, at isa na rito ay kung gaano sila kabilis. Kuwento pa niya, pagdating niya ng Singapore, sinabihan siya na in 48 hours ay mabibigyan na siya ng treatment na nangyari naman talaga.

“On the 48th hour, chemo agad ako, may gamot. Sa Pilipinas, I have to wait one to two weeks. Mahina ang Pilipinas. Kahit Doc Willie Ong, patay ka pa rin. Papaano kung Juan Dela Cruz ka? Kaya ako nagi-guilty,” sabi ni Doc Willie.

Kaya naman, paalala niya sa mga pulitiko, “Sana ay maisip ng mga nasa pulitika na dapat inuuna ang bayan at hindi sarili.”

Panoorin ang buong panayam kay Doc Willie Ong dito: