Frenchie Dy, tinamaan ng Bell's Palsy sa ikatlong pagkakataon

GMA Logo Frenchie Dy
Image Source: Frenchie dy (Facebook)

Photo Inside Page


Photos

Frenchie Dy



Ibinalita ng singer na si Frenchie Dy na tinamaan siya ng sakit na Bell's Palsy sa pangatlong pagkakataon.

Kuwento niya sa dalawang maikling video na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account na napansin niyang nag-iba ang kanyang panlasa habang kumakain ng tanghalian kasama ang kanyang asawa.

Maya-maya lang, naramdaman niyang tumutulo ang iniinom niyang tubig sa gilid ng kanyang bibig dahil hindi na niya makontrol ang kalahati ng kanyang mukha.

Agad naman siyang tumakbo sa ospital kung saan kinumpira ng mga doktor na Bell's Palsy nga ang naranasan ni Frenchie. Ito rin ang pangatlong pagkakataon na tinamaan siya nito.



"Medyo naiiyak ako kasi pinanghinaan ako ng loob. Pero I know na maraming nagpe-pray for me. Nandiyan ang asawa ko, nandiyan 'yung mga anak ko, my friends. Lahat ng sumusuporta sakin nandiyan so kaya ko 'yan. Laban lang," sambit niya.

Makikita sa videos ni Frenchie na tila tabingi ang kanyang mukha at hinahagod niya ang side na hindi gumagalaw.

Ayon sa kanya, niresetahan siya ng vitamin B complex, steroids, antacid, at pain killers para sa ilang sintomas ng kanyang sakit.

Pangako din niyang ibabahagi niya ang progreso ng kanyang gamutan.

"Sa mga susunod na video siguro makikita natin, sabayan niyo ko sa recovery ng Bell's Palsy ko. Thank you, Lord! I'll update you sa mga tests na mangyayari sa akin kasi gusto rin malaman ng doctors kung bakit babalik balik 'yung Bell's Palsy ko. Pangatlo na 'to," aniya.




Ayon sa Mayo Clinic, ang Bell's Palsy ay ang biglaang panghihina ng muscles sa isang side ng mukha.

Hindi pa maipaliwanag o matukoy sa ngayon ang eksaktong dahilan ng kundisyon na nito.

Maaaring bumiti ang mga sintomas nito sa loob ng ilang linggo at umaabot ng anim na buwan para maka-recover ng tuluyan.

Gayunpaman, may ilang tao na habangbuhay na nakakaranas ng mga sintomas nito.

Bihira din na maranasan ito ng isang tao nang mahigit sa isang beses, tulad ng kaso ni Frenchie.

SAMANTALA, SILIPIN SA GALLERY NA ITO ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA MAY RARE MEDICAL CONDITIONS:


Ynna Asistio
Kris Aquino - Chronic Spontaneous Urticaria
Rhed Bustamante - Incontinentia Pigmenti
Alma Moreno - Multiple Sclerosis
Kim Atienza - Guillain-Barre Syndrome
Paolo Bediones - Psoriasis
Aiai Delas Alas - Psoriasis
Abby Asistio - Alopecia
Angelu de Leon - Bell's Palsy
Gerard Pizzaras - Bell's Palsy
Michelle Madrigal - Hashimoto's disease
Bernadette Sembrano - Bell's Palsy
Kelley Day - Alopecia
Aby Maraño - Psoriasis
Nadine Samonte - Antiphospholipid Antibody Syndrome
Miriam Quiambao - Obstetric APAS
Kim Idol - Brain Arteriovenous Malformation
Bea Rose Santiago - Chronic Kidney Disease
Sitti Navarro - Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS)
Rica Peralejo - Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS)
Lani Misalucha  Bacterial Meningitis
Kuya Kim Atienza -  Hashimoto's Hypothyroidism
Pen Medina - Degenerative Disc Disease
Selina Dagdag -  Gestational Trophoblastic Neoplasia
Joseph Puducay
Joseph's illness
Angelica Panganiban
 Saab Magalona

Around GMA

Around GMA

Unang eleksyon, 1897 — Ugat ng hidwaan nila Aguinaldo at Bonifacio | Howie Severino Presents
Fur mom who saves dogs from fire in Mandaue City commended
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine