GMA Logo Sanya Lopez todo ingat sa novel coronavirus
What's Hot

Sanya Lopez, todo-ingat sa novel coronavirus

By Bianca Geli
Published February 4, 2020 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez todo ingat sa novel coronavirus


Paano nag-iingat mula sa nCoV si Kapuso actress Sanya Lopez?

Ngayong ipinapalaganap na ang pag iingat sa 2019 novel coronavirus, ibinahagi ni Sanya Lopez kung ano ang kanyang ginagawa para makaiwas sa nakahahawang sakit.

Kuwento ni Sanya, mahalaga sa kanya ang pag-inom ng vitamins at pananatiling malinis para makaiwas sa sakit. “Ako po talagang iniisip bago ako matulog kailangan kong mag-vitamins at kahit bago umalis ng bahay, inom din ng vitamins. Then, mag-cover po talaga, mag-mask po talaga,” saad niya.

WATCH: Sanya Lopez, naiyak sa 'Scare Box Challenge'

Dagdag ni Sanya, umaabot ng limang beses sa isang araw ang pagligo niya para hindi manatili ang kahit anong virus sa katawan. “Pag dating ko po sa bahay, ligo po talaga agad, siguro nakakalimang beses po akong maligo sa isang araw ngayon seryoso po 'yan.”

Bagamat walang nais na masyadong mabahala ni Sanya, mas mabuti na raw ang nag-iingat. “Nakakapraning po talaga lalo na po ngayon pero sinabi naman po na 'yung coronavirus mas mild kumpara sa dati like 'yung SARS.”

Sanya Lopez reveals what's she's looking for in a boyfriend

“Feeling ko nagiging praning lang tayo ngayon because of social media. Pero importante po talaga na alagaan natin 'yung sarili natin. Maging maingat lang talaga tayo sa lahat. Iba pa rin po talaga 'yung nag-iingat.”

WATCH: Sanya Lopez channels sexy Danaya in behind-the-scenes video for calendar shoot