GMA Logo Ken Chan COVID19 coronavirus disease
What's Hot

Ken Chan believes prayer is the most effective shield against COVID-19

By Dianara Alegre
Published March 18, 2020 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan COVID19 coronavirus disease


Ken Chan on dealing with COVID-19: "Ang pinakamabisa sa lahat ay 'yung panalangin natin."

Habang sumusunod sa mga regulasyong ipinatupad kaugnay ng enhanced community quarantine dahil sa banta ng (2019) coronavirus disease (COVID-19), pinananatili pa rin ng celebrities ang kanilang pagiging produktibo.

Ang mag-asawang Joyce Ching at Kevin Alimon ay gumawa ng prayer vlog sa Instagram na paraan umano nila para mapalaganap ang pag-asa sa panahong pinanghihinaan ng loob ang marami.

Dahil suspendido ang pagsasagawa ng mga pagtitipon, sa livestream worship na lamang muna nakiisa sa pagdarasal ang bagong kasal na sina Joyce Pring at Juancho Trivino.

Ayon naman kay Kapuso actor Ken Chan, bukod sa pagsusuot ng face masks at pagpapatupad ng social distancing, ang pinakamahalagang sandata laban sa COVID-19 ay ang pananampalataya.

#ChooseKindness

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on

“Ang pinakamabisa sa lahat ay 'yung panalangin natin. Ito 'yung pinaka-importante sa lahat dahil sa Diyos walang imposible,” he said.

Samantala, ibinahagi naman ni Prima Donnas star Sofia Pablo na miss na niya ang kanyang Prima Donnas sisters na sina Althea Ablan, Jillian Ward at Elijah Alejo. “Nakaka-miss din po mag-tapong.”

At sa halip na tumunganga sa bahay, minabuti ni Sofia na maglaan ng oras sa pag-aaral, pag-aalaga sa kanyang pet dog at pagtulong sa kanyang mga magulang sa gawaing bahay.

Nitong Martes, March 17, ay ipinatupad ng gobyerno ang enhanced community quarantine sa buong Luzon. Nakapaloob dito ang mahigpit na implementasyon ng home quarantine, social distancing, suspensiyon ng klase, pagsasara ng mga establisimyento, pag-adopt sa work from home alternative para sa mga empleyado ng mga pribado at pampublikong sector, at suspensiyon ng mga pampublikong sasakyan.

IN PHOTOS: Celebrities and personalities react to "enhanced community quarantine"

Panoorin ang 24 Oras report:

Ken Chan wins TV Actor of the Year at the VP Choice Awards

LOOK: Rita Daniela posts never-before-seen photos, video of Ken Chan on his birthday