
Pumunta kamakailan sa grocery ang aktor na si Zoren Legaspi para bumili ng pagkain habang nakasuot ng face mask, gloves, shades, at cap.
Ayon kay Zoren, mas okey na ang maging safe kaysa makakuha ng sakit, lalo na't may COVID-19 pandemic na nangyayari ngayon.
“I wear clear shades to protect my eyes. People were looking at me like I'm a Bio Medical Scientist. Better to be safe than sorry!” sulat ni Zoren sa caption ng kanyang post sa Instagram.
Ibinahagi rin ni Zoren kung paano siya nag-iingat sa mga nakuha niyang dumi sa labas bago pumasok ng bahay.
“Pag uwi ko, hindi ko pinasok ang shoes ko,” paliwanag ni Zoren.
“My clothes diretso bilad sa araw bago ilagay sa labahan.”
"'Yung gloves binilad sa araw kasama ang cap.”
Mapapanood si Zoren sa afternoon drama na Bilangin ang Bituin sa Langit kasama sina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at Ms. Nora Aunor.
Eere ang pre-taped episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit hanggang Lunes, March 23, bago ito palitan ng top-rating show na Ika-6 na Utos.
Alinsunod sa umiiral na enhanced community quarantine, panandaliang sinuspinde ng GMA Network ang produksyon ng shows.
Kahit na panandaliang mawawala sa Bilangin ang Bituin sa Langit sa TV, available pa rin ang full catch-up episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.