GMA Logo First Pinoy coronavirus covid19
What's Hot

Unang Pinoy na nagkasakit ng COVID-19, may mensahe sa publiko

By Dianara Alegre
Published March 24, 2020 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chinese fighter jets directed radar at Japanese aircraft, Japan says
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

First Pinoy coronavirus covid19


Ibinahagi ni Atty. Carlo Naval ang kanyang naging karanasan habang nilalaban ang nakamamatay na virus.

Nakalabas na sa ospital at nagpapagaling sa kanyang bahay ang unang Pilipinong nakumpirmang may 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sa panayam ni Kapuso reporter Atom Araullo, ibinahagi ni Atty. Carlo Naval ang kanyang naging karanasan habang nilalaban ang nakamamatay na virus.

Nang kumustahin ang kanyang kondisyon, aniya, “A lot better when I was in the hospital.”

Ibinahagi rin ni Atty. Carlo na sumasailalim pa rin siya sa home quarantine dahil hindi pa kumpirmadong negatibo na siya sa sakit.

“Required ako kasi my test results have not come out. So hindi ko alam kung negative ako but the doctor discharged me because he said that I was healing and recovering pa,” dagdag pa ng abogado.

Si Atty. Carlo si case PH4 at pinili niyang ibahagi ang kanyang karanasan para magsilbing aral at inspirasyon sa iba ngayong malawakan na ang pagkalat ng COVID-19.

“'Yung symptoms siguro lumabas nung March 3. This was seven days after [I] returned from Japan. May chills ako although wala akong lagnat kasi 37.7 pa lang 'yung temperature ko. But I was coughing vigorously,” lahad niya.

Sinabi rin niyang pinilit niyang sumailalim sa test para mag-check kung nahawaan siya ng COVID-19 kahit sinabihan siyang huwag muna.

“I couldn't sleep that night kasi malala talaga 'yung ubo ko. Then the following morning, I went to St. Lukes in BGC and the doctor told me na I don't need to be tested kasi only I came from Japan and the symptoms were mild.

“But I insisted. So after insisting, they tested me and the following day…I tested positive,” dagdag pa niya.

Payo naman ni Atty. Carlo sa mga nahawaan ng sakit, panatilihing matatag ang pag-iisip.

Aniya, “Stay positive. Always talk to your family who loves you so much.

“You have to stay strong psychologically and mentally.”

Sundan ang paglalahad ni Atty. Carlo Naval, ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa, ng kanyang karanasan laban sa COVID-19 sa 24 Oras report na ito:

Christopher De Leon confirms he has COVID-19

LIST: NBA stars who test positive for COVID-19