What's Hot

Howie Severino, kumusta ang lagay ng kalusugan ngayong nagpapagaling mula sa COVID-19?

By Cherry Sun
Published April 14, 2020 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Howie Severino covid19


Ibinahagi ni Atom Araullo sa pamamagitan ng digital program na 'Stand For Truth' ang lagay ng kalusugan ni Howie Severino matapos nitong pagtagumpayan ang banta ng kinatatakutang COVID-19.

Ibinahagi ni Atom Araullo sa pamamagitan ng digital program na Stand For Truth ang lagay ng kalusugan ni Howie Severino matapos nitong pagtagumpayan ang banta ng kinatatakutang COVID-19.

Publikong inihayag ni Howie na nagpositibo siya sa COVID-19 noong April 7. Aniya, maituturing na siyang isang survivor habang siya'y patuloy na nagpapagaling.

Nagpaunlak si Howie ng eksklusibong panayam kay Atom sa April 13 episode ng Stand For Truth at dito siya nagbigay ng update tungkol sa kanyang kalusugan.

Ayon sa Kapuso broadcast journalist, hindi raw niya inakalang kahit mayroon siyang healthy lifestyle dahil sa kanyang pagbibisikleta at masustansyang pagkain ay tatamaan siya ng new coronavirus disease.

Pag-amin niya, “It's another lesson. Don't assume, dahil malakas ang katawan mo, hindi ka maapektuhan nito.”

Gayunpaman, patuloy ang paggaling ni Howie. Wala na raw siyang nararamdamang sintomas maliban sa bagsak na pangangatawan at kawalan ng gana sa pagkain.

Inalala rin ng mamamahayag kung paano niya natuklasan na positibo siya sa COVID-19.

Pag-alala niya, “Noong nagka-lagnat ako, I thought, 'Okay…' Ang lagnat naman sintomas ng maraming sakit eh, iba't ibang klaseng sakit. So I thought, 'I'll look at the bright side and this will blow over in a couple of days, a few days. This is just another flu. So noong hindi bumababa 'yung lagnat ko, naisip ko ibang klase na 'to, papa-check up na ako.'”

Nakatulong naman dito ang kanyang positibong pag-iisip para mapagtagumpayan ang kanyang sakit. Naging tulay rin daw sa kanyang paggaling ang kanyang nurse na interesado rin sa paggawa ng documentaries.

Aniya, “It's when the power of the mind becomes very important.”

Howie Severino on COVID-19 battle: “Don't underestimate the power of the mind”

Sa parehong panayam ni Atom ay nagpahayag din ng paghanga at pasasalamat si Howie para sa frontliners.

Sambit niya, “Bukod sa risk at pagod, at 'yung iba sa kanila hindi na makauwi, masyadong malayo or tinataboy sila, napakalaking stigma 'yung nararanasan nila ngayon. Kami, mga survivor, ay well nasa labas na kami 'no, nasa outside world and medyo magiging malaya na rin kami pero sila tuloy-tuloy pa rin 'yung kanilang misyon.”

Panoorin:

Isang special documentary tungkol sa COVID-19 sa pamamagitan ng personal na karanasan ni Howie ang ipapalabas sa i-Witness ngayong Sabado, April 18.

Howie Severino reflects on the new roles of recovered COVID-19 patients