GMA Logo Emman Nimedez
What's Hot

YouTuber Emman Nimedez, sinimulan na ang chemotherapy

By Cara Emmeline Garcia
Published June 3, 2020 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Emman Nimedez


Sinimulan na ni Emman Nimedez ang kanyang treatment para sa leukemia.

Nagbigay na ng update ang YouTuber at social media influencer na si Emman Nimedez matapos niyang ianunsyo na mayroon siyang leukemia noong May 17, 2020.

Ikinuwento ni Emman sa kanyang latest vlog na bago siya ma-admit sa ospital ay napag-alaman niya na mayroon siyang pneumonia kaya napabilang siya sa mga person under investigation o PUI ng COVID-19.

Sa kabutihang-palad, lumabas na negative siya sa virus at nabigyan na ng go-signal para simulan ang unang steps ng kanyang chemotherapy.

Sambit niya sa viewer, “Kaya ako nag-vlog para mabigyan ko kayo ng update bago ako mag-chemo kasi 'pag nagsimula na ang chemo ay madugo na ang labanan. Well, hindi naman madugo pero I mean, 'yun na 'yung simula ng laban natin dito.

“Kung baga, 'yung lahat ng paghahanda, lahat ng dasal, at lahat ng tumulong sa akin, e, ito na 'yung pinakasukdulan.”

Bagong umaga. Ngayon masasabi kong ito na. Simula na ng pakikipaglaban. Dala ko ang lahat ng mga dasal niyo, wala nang ibang rason para hindi itaas ang espada at panangga na hawak ko dito.

Isang post na ibinahagi ni EMMAN (@emmannimedez) noong

Pinasalamatan din ni Emman ang lahat ng kanyang mga taga-suporta na nagpatibay ng kanyang loob na harapin ang sakit.

“Sa lahat ng tumulong, lahat ng nagdasal, lahat ng kaibigan na nag-message, lahat 'yun dala-dala ko dito para sa laban na 'to. Kasi ito na 'yun pinaka-crucial phase kasi ito na 'yung gagamot sa cancer.”

Mismong si Emman din ang nagsabi na ang tanging hiling niya sa fans ay samahan siya sa kanyang chemotherapy journey ngayon na magsisimula na ang kanyang treatment.

Aniya, “Siguro ang hiling ko lang is masamahan niyo ako at samahan niyo ako.

“Madrama akong tao kaya dapat nandito kayo palagi. Ewan ko... kahit kakaunti kayo basta kailangan maramdaman ko lang na may kasama ako dito.”

Ayon kay Emman, kakaunti pa lang ang mga detalye na alam niya tungkol sa treatment pero maaari niyang kailanganin ang blood transfusion kung bumaba ang blood count niya. Maaari rin daw maging candidate siya for a bone marrow transplant depende sa resulta ng kanyang tests.

Nakilala si Emman bilang isang content creator sa video-sharing platform na YouTube noong 2011 kung saan gumagawa siya ng iba't ibang short films tulad ng “Baso,” “Abangers,” “What If,” at “Status: AFK.”

Wil Dasovich shows support for fellow vlogger Emman Nimedez who's battling leukemia

Ben&Ben encourages the public to stream Emman Nimedez's vlogs