GMA Logo baeby baste negative covid19 test result
What's Hot

Bae-by Baste, negatibo sa COVID-19

By Cherry Sun
Published June 18, 2020 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

baeby baste negative covid19 test result


Sumailalim si Bae-by Baste sa COVID-19 rapid test nang umuwi sa kanyang probinsya sa GenSan.

Masayang ibinalita ni Bae-by Baste na negatibo siya sa COVID-19 nang sumailim ang batang Eat Bulaga dabarkad sa isang rapid test.

Ibinahagi ni Bae-by Baste sa kanyang Instagram account kahapon, June 17, na umuwi siya at ang kanyang pamilya sa General Santos City sa Southern Mindanao.

Upang makabalik sa kanilang probinsya, mahigpit nilang sinunod ang safety guidelines para sa mga tinuturing na LSI or locally stranded individuals.

Kaya naman nitong umaga, sumailalim sila sa isang COVID-19 test at pinagpapapatuloy ang kanilang home quarantine sa loob ng 14 na araw

NEGATIVE... Thank You kaayo Lord🙏🏻🙏🏻🙏🏻 strict monitoring sa among barangay❤️ thank you po antie sa pag check kanunay sa amo diri🙏🏻 #rapidtest #homequarantine14days

A post shared by Baste (@iambaebybaste) on


Matatandaang muling napanood sa telebisyon si Bae-by Baste sa pagbabalik ng live episodes ng Eat Bulaga noong nakaraang linggo.

Ang batang dabarkad ay nabalitang kabilang din sa upcoming Kapuso series na First Yaya na pagbibidahan ni Marian Rivera.

Artistahin since birth: Bae-by Baste