What's Hot

Maureen Larrazabal, positibo pa rin sa buhay kahit tinamaan ng COVID-19

By Dianara Alegre
Published September 11, 2020 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Legendary fashion designer Valentino Garavani passes away
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

maureen larrazabal covid19 positive


Sa kabila ng pagiging COVID-19 positive, ipinagpatuloy pa rin ni Maureen Larrazabal ang kanyang active at healthy lifestyle.

Ibinahagi ni Kapuso actress Maureen Larrazabal na nagpositibo siya sa COVID-19 at patuloy na nagpapagaling mula sa sakit.

Ayon sa 24 Oras report, nagsimula umanong makaramdaman ng sintomas ng coronavirus disease si Maureen noong huling linggo ng buwan ng Hulyo.

Maureen Larrazabal

Source: maureenlarrzabalofficial (IG)

“Ang symptoms na naramdaman ko, nawalan ako ng pang-amoy. Ang sakit-sakit ng ulo for three days.

"Since alam ko na that 'yung dalawang 'yon ay symptoms ng COVID-19, what I did was ini-isolate ko na 'yung sarili ko,” ani Maureen.

Kahit may naramdamang mga sintomas ay hindi na muna umano nagpa-swab test si Maureen at dumiretso na sa pagse-self isolate upang hindi mahawaan ang kanyang pamilya.

Saka lamang siya nagpa-swab test noong August 25, isang buwan matapos mawala ang mga sintomas na dinaramdam niya.

Ang naturang test ay requirement para sa pagbabalik-taping ng Pepito Manaloto, kung saan kabilang siya sa cast.

At ang resulta, positibo pa rin siya sa COVID-19.

“Lumabas 'yung ano na may traces pa of the virus inside my body.

"Pero this time, wala akong nararamdaman. That's one possibility.

“Another possibility is na-reinfect ako because I'm still positive,” dagdag pa niya.

Samantala, kahit nagkaroon ng COVID-19 ay nananatili pa ring positibo sa buhay si Maureen.

Patuloy rin ang pag-aalaga niya sa sarili sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansiya, pag-inom ng vitamins, pagsasagawa ng home remedies, at active lifestyle.

“I lift weights. I do yoga. I do strength training. I also do cardio.

"I do everything, lahat. Like I wake up at six in the morning and start working out for two to three hours.

“Wala na akong nararamdamang hapo at all,” aniya.

SMILE😊 #MAUfitnessjourney

A post shared by MaureeneLarrazabal (@maureenelarrazabalofficial) on

Nitong September 10 ang huling araw ng quarantine ni Maureen at umaasa siyang COVID-19-free na siya.

Naka-schedule rin umano ang kanyang pamilya para magpa-swab test.