
Ibinunyag ng actress-comedienne na si Kakai Bautista na tinamaan siya ng COVID-19.
Gayunman, aniya, nalagpasan niya ang pagsubok na ito sa pamamagitan ng wastong pag-aalaga sa sarili at pagkakaroon ng positibong mindset.
Ayon sa 24 Oras report, noong August 28 nalaman ng aktres na positibo siya sa COVID-19 nang magpa-swab test bilang requirement sa event na dadaluhan sana niya.
Pero sa halip na malugmok at panghinaan ng loob, mas pinalakas pa ni Kakai ang kanyang pananalig sa Diyos at nanatiling masayahin at positibo sa buhay.
Source: ilovekaye (IG)
“Every time talaga na matutulog ako, nagpe-pray talaga ako kay Lord. Sinurender ko na talaga.
"'Lord, Ikaw na bahala pero ito lang tandaan Mo. Hindi pa ako pwede mamatay kasi mababawasan ang maganda sa mundo,'” aniya.
Fatigue lamang umano ang naramdamang sintomas ni Kakai at tumagal lamang ito ng isang araw.
At nitong September 11 ay idineklara nang COVID-19-free ang komedyante.
“Sobrang na-relieve [ako]. Medyo naluha ako, pero ayoko pa ring umiyak kasi mas gusto ko maging happy kasi nakakadagdag ng eyebags 'yung pag-iyak.
“At least now alam mo na you had another chance na mas maging healthy.
"Mag-e-exercise na talaga ako 'tapos kain ako ng mas healthy. Mag-e-enjoy ako sa buhay,” lahad niya.
Hirit pa ni Kakai, “Siguro sasabihin ko na sa crush ko na crush ko siya.”