
Sa pinakabago niyang YouTube vlog, ibinunyag ng aktres na si Jai Agpangan na naospital siya at idineklara pang comatose sa loob ng tatlong araw dahil sa pamamaga ng kanyang tainga at pagsusuka.
Aniya, “Before Christmas, last December 24, I experienced swelling sa ears ko. I don't know why baka sa piercings na-infected pala siya but nagsusuka ako.
Source: jaiagpangan (Instagram)
“I was cooking for Noche Buena… and nagku-cook ako ng spaghetti because I will attend my cousin's birthday. So I was making spaghetti for her tapos I was making samgyup for my family. Tapos parang ang sama ng pakiramdam ko, nasusuka ako.
“Bigla akong nag-stop mag-cook and then sumusuka like 20 times.”
Kwento pa niya, hindi raw siya makahinga nang maayos nang mga oras na iyon. At kahit na natatakot na para sa sariling kalagayan, tiniis ni Jai ang sakit at humiga na lamang.
Dahil sa tuluy-tuloy na pagsusuka ay nawalan na rin daw siya ng malay. Ayon sa pahayag ng kanyang ina, napaihi na rin daw sa suot na damit at pawis na pawis si Jai kahit na wala itong malay.
Nag-seizure na rin daw siya kaya nagpasya na ang pamilya niyang itakbo sa opsital.
“Grabe 'yung nangyari sa akin. I got coma for like three days, [December] 24, 25, 26, tapos 27 sabi ako nag-wake up daw,” aniya.
“Hindi ko alam na NGT lang 'yung food ko. Tapos lumbar tap ako, kasi parang akala nila parang meningitis, parang na-tetanus kasi ako, infected, sepsis. Ang daming sabi sa akin ng doctor ko. Buti na lang mabait ang doctor namin at saka magaling,” sabi pa niya.
Dahil sa pinagdaanang pagsubok, pinasalamatan ni Jai ang kanyang pamilya sa pag-aalaga sa kanya at sa pagpapalakas ng loob niya sa pamamagitan ng pagpapakita ng suporta sa kanya.
“I thank God for everything, especially my family kasi parang naging support system ko sila. Honestly, parang very serious matter talaga 'yun sa amin. Very open matter na parang naging open sa amin lahat na parang we take care talaga sa health kasi like is a blessing. Grabe sa prayers talaga at sa mga tao na nagbibigay sa amin.
“Hindi ko 'to makakayanan. Almost half-dead na ako sabi ng sister ko and I was so scared kasi parang hindi ko kaya because I know I have a purpose pa,” aniya.
Kasalukuyan pang nagpapagaling si Jai at ibinahagi niyang marami pa siyang sakit na nararamdaman sa kanyang katawan.
“'Yung na-experience ko ngayon medyo masakit pa sa akin kasi two weeks pa, pero recovering na ako, healing na ako. Masakit pa talaga 'yung likod ko, lumbar tap, and I have bruises lahat ng injections sa akin,” aniya.
Source: Joj and Jai Angpangan OFFICIAL (YouTube)
Hindi na napigilang maging emosyonal si Jai habang binabalikan ang sinapit. Taos-puso rin ang pagpapapasalamat niya sa lahat ng nagpaabot ng suporta sa kanya.
Sa lahat ng pinagdaanan niya noong nakaraang taon, nananatili pa ring positibo ang aktres.
"I just want to appreciate everything. 2020 talaga it made me stronger and in 2021, I am hoping that things will be better and in Jesus's name I'll be healed.
“I thank God for life blessing and the ability to make other people happy din. I thank God na lang talaga for everything as in like I owe the Lord for everything. I praise the Lord talaga.
“Two weeks guys, I'm gonna be okay. Praying for the best," sabi pa niya.
Nakilala si Jai at ang kakambal niyang si Joj Agpangan sa isang reality TV show noong 2012.
Kaugnay nito, narito ang listahan ng ilang Pinoy celebrities na may rare medical conditions: