GMA Logo Rica Peralejo and Joseph Bonifacio
What's Hot

Rica Peralejo at asawang si Joseph Bonifacio, nagpositibo sa COVID-19

By Maine Aquino
Published May 9, 2021 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Rica Peralejo and Joseph Bonifacio


Sa isang vlog ay ibinahagi ni Rica Peralejo ang kanilang pinagdaanan nang magpositibo sila ni Joseph Bonifacio sa COVID-19.

Nag-film noong April 13, 2021 si Rica Peralejo at ng kaniyang asawa na si Joseph Bonifacio na sila ay magaling na sa COVID-19.

Sa vlog na ito ay ibinahagi nina Rica at Joseph ang kanilang pinagdaanan nang sila ay nagpositibo sa COVID-19.

Kuwento ni Rica, "Ako 'yung nauna. March 20, we had a shoot in the house dalawa silang kasama ko but I really didn't know that I had anything. I was just exceptionally pawisin noong araw na yun. Pero kasi ang init din."

Rica Peralejo and Joseph Bonifacio

Photo source: YouTube: Rica Peralejo-Bonifacio

Kinabukasan ay naramdaman na ni Rica ang ibang sintomas.

"Next day sabi ko sa kaniya I kinda don't feel well. Medyo flu-ish na yung feeling ko sa kama."

Doon na minabuti ni Rica na magpa-test at napag-alaman na siya ay positibo sa COVID-19.

"Walang nagma-manifest na severe symptoms. It's manageable healthwise in our house."

Noong panahong iyon, negative ang resulta ng kaniyang asawa sa test.

Kuwento ni Rica, mas nahirapan siya labanan ang sakit sa mga sumunod na araw.

"9th, 10th, 11th day mo, doon ka puwedeng mag-develop ng more symptoms na medyo mas mahirap."

Sa kaniyang sinabihan siya na baka kailangan niya nang pumunta sa ospital.

Saad ng dating aktres, "I said that if this what God wants if this how God wants to heal me I will do it. I will keep praying."

Noong magaling na si Rica, si Joseph naman ang nagkaroon ng COVID-19 symptoms.

"By the time I was healing yung asawa ko na yung nag-exhibit ng symptoms."

Paliwanag ni Joseph, "Severe congestion. Parang allergic rhinitis lang.

"Nag-progress na into body pains, flu-like symptoms the migraines is really difficult."

Saad ni Rica natakot siya nang makita niya na nanghihina ang kaniyang asawa.

"My husband is a really strong person but when he started showing signs of weakness lalo akong natakot."

Panoorin ang kabuuang kuwento ni Rica at Joseph dito:

Kilalanin ang mga personalidad na nagpositibo sa COVID-19 surge: