GMA Logo Chariz Solomon
What's Hot

Chariz Solomon, may nakakatawang hirit matapos ang kanyang COVID-19 vaccine second dose

By Aedrianne Acar
Published August 11, 2021 1:17 PM PHT
Updated August 11, 2021 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Chariz Solomon


Nahihilong ina ang 'Balitang Ina' host na si Chariz Solomon matapos ang kanyang bakuna kontra sa COVID-19.

Idinaan man sa pagpapatawa ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon ang kanyang post tungkol sa pagbabakuna kontra sa COVID-19, seryoso ang mensahe niya na mas mainam na bakunado ngayon lalo't may pandemya.

Ineenganyo ng gobyerno ang lahat na magpunta sa mga vaccination site sa oras na makumpirma ang schedule ng pagbabakuna sa inyong lokal na pamahalaan.

Ayon sa Instagram post ni Chariz sa isang vaccination facility sa Quezon City, masaya siya na natapos na siya bago ang kanyang kaarawan.

A post shared by Chariz Solomon (@chariz_solomon)

Tuwang tuwa naman ang 'Balitang Ina' co-host niyang si Valeen Montenegro sa update na ito ng kaibigan.


Source: chariz_solomon (IG)

Sa sumunod na post ni Chariz, hindi nito naiwasang magbiro na nakakaramdam siya ng tila side effect.

Hirit niya, “Nag 2nd dose ako kanina, ngayon hilong-hilo ako.. hindi ko alam kung side effect ba to ng bakuna or side effect ng pagiging ina… #getImmunized.”

A post shared by Chariz Solomon (@chariz_solomon)

Last year, isinilang ni Chariz ang first baby nila ng kanyang boyfriend na si Vince Teotico.

Pangatlong anak na ito ng aktres, after Apollo and Ali.

Heto naman ang GMA Artist Center talents na nagpabakuna kontra sa coronavirus disease: