GMA Logo Angel Locsin and Angelo Colmenares
Source: Angel Locsin (YT)
What's Hot

Angel Locsin's 94-year-old dad recovers from COVID-19

By Aimee Anoc
Published October 7, 2021 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics urged to be ‘sign of God's presence’ at Christmas Eve Mass
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Locsin and Angelo Colmenares


"Isipin mo 94 years old, bulag, na-survive niya 'yung World War II, na-survive din niya ang COVID." - Angel Locsin

Masayang ibinahagi ni Angel Locsin na gumaling na mula sa COVID-19 ang kanyang 94-year-old na ama na si Angelo Colmenares.

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Angel ang video ng ama habang nag-eehersisyo.

"Ito 'yung tatay ko matigas 'yung ulo, nag-e-exercise na. Isipin mo 94 years old, bulag, na-survive niya 'yung World War II, na-surivive din niya ang COVID," pagbabahagi ng aktres.

Nag-iwan din ng magandang mensahe si Angel para sa lahat ngayong may pandemya.

"Kaya kung may mga araw na parang walang nangyayari, tandaan natin na hindi productivity contest ang pandemic. 'Yung mga ginagawa mong maliliit na bagay na nakakapagpasaya sa 'yo.

"Kung lilingon tayo ulit sa mga lumipas na oras, araw, buwan, o taon, lahat iyon may saysay para hubugin ang pagkatao natin. So make every day count, make it yours!" pagtatapos ng aktres.

Panoorin ang buong vlog niya dito:

September 13 nang ibahagi ni Angel na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ama.

Samantala, balikan sa gallery sa ibaba ang celebrities at personalities na nagpositibo sa COVID-19: