
Bukod sa nauusong skincare products ngayon tulad ng mga rejuvenating set at iba pa, alam niy bang pwede palang gumamit ng natural foods para sa pagpapaganda ng kutis?
Narito ang ilang pagkain na maaaring gawing alternative o pandagdag sa inyong skin care routine na inilista ng Pinoy MD:
Courtesy: Pinoy MD (Facebook)
Avocado
Avocado lover ka ba? Alam mo bang pwede pala itong gamitin para sa pagpapaganda ng kutis? Ang avocado ay nagtataglay ng vitamin E at C na parehong may pangunahing papel para sa kalusugan ng isang tao. Ang vitamins na makukuha sa pagkain ng avocado ay mabilis na makatutulong sa pagpapaganda ng kutis. Ito rin ay ginagamit na pampahilom sa iba't ibang kondisyon ng balat tulad ng acne at eksema.
Courtesy: Pinoy MD (Facebook)
Walnuts
Pamilyar ba kayo sa walnuts? Madalas na nakikita ang mga ito bilang toppings sa isang loaf bread. Sa unang tingin, aakalain na simpleng pagkain lang ito, pero ang walnuts pala ay makatutulong din sa pagpapaganda ng kutis. Ito ay nagtataglay ng zinc, vitamin E, selenium, at protein. Ang lahat ng nutrients na ito ay mainam para sa balat ng isang tao.
Courtesy: Pinoy MD (Facebook)
Tomatoes
Hindi lang panlaban sa heart disease ang tomato o kamatis. Ang nutritional content ng kamatis ay makatutulong din na mas mapakinis ang balat ng isang tao. Ito ay excellent source ng vitamin C at may taglay itong lycopene. Magreresulta ang palagiang pagkain o pag-inom ng juice nito sa mas glowing at natural pinkish skin.
Courtesy: Pinoy MD (Facebook)
Sweet Potatoes
Ang sweet potato ay source ng beta carotene na makakatulong na protektahan ang balat ng isang tao mula sa sikat ng araw. Ang pagkain o pagkonsumo nito ay magreresulta sa mas malusog at maayos na balat. Maaari itong gamitin ng mga taong mayroong dry skin.
Courtesy: Pinoy MD (Facebook)
Fatty Fish
Hindi lang pala basta ulam ang isang isda, makapagbibigay rin pala ito ng sustasya sa balat ng isang tao. Ang fatty fishes ay mayroong omega-3 fatty acids na pwedeng maging instant skin moisturizer. Ang best example nito ay ang pagkain ng salmon fish.
Courtesy: Pinoy MD (Facebook)
Red or Yellow Bell Peppers
Para sa ilan, ang bell peppers ay ginagamit lamang na pangsahog sa mga pagkain tulad ng pansit o mga ulam. Ngunit ang pagkonsumo pala nito ay lubos na makatutulong sa katawan. Ito ay nagtataglay rin ng beta carotene at Vitamin C na parehong importanteng antioxidants para sa balat ng isang tao.
Courtesy: Pinoy MD (Facebook)
Broccoli
Ang broccoli ay source ng vitamins, minerals, at carotenoids na mainam para sa kutis. Ito rin ay nagtataglay ng sulforaphane na makatutulong upang maiwasan ang skin cancer at maprotektahan ang balat mula sa sunburn.
Maaari mo nang subukan ang mga ito para mas mapangalagaan at mas mapaganda mo pa ang iyong kutis.
Samantala, narito ang ilang heart-friendly foods na maaari mo ring subukan, basahin DITO.