GMA Logo Arnold Clavio
Photo by: akosiigan (IG)
What's Hot

Arnold Clavio, gumaling na sa COVID-19

By Aimee Anoc
Published January 16, 2022 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Arnold Clavio


"Kayo ang aming naging booster para mapagtagumpayan ito." - Arnold Clavio

Gumaling na sa COVID-19 ang multi-awarded GMA News pillar na si Arnold Clavio.

Sa Instagram, ipinakita ni Arnold ang negatibong resulta ng antigen test sa ika-10 araw ng kanyang self-isolation.

Ayon kay Arnold, malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng nagdasal at nagbigay ng lakas ng loob sa kanya habang nakikipaglaban sa sakit.

"Sa matinding pagsubok mo maaasahan ang mga tunay na kaibigan. At itong mga nagdaang mga araw ay hindi magiging madali sa akin at sa aking maybahay kundi dahil sa inyong lahat," pagbabahagi ni Arnold.

"Ang mga panalangin at mensahe, pangungumusta at tawag, ang nagsilbing bitamina para labanan namin pareho ang Omicron variant ng COVID-19. Sa unang araw pa lang ay kasama ko na kayo sa pagharap sa hamong ito. Mga positibong mga pahayag na nagpalakas pa sa aming immune system. Kayo ang aming naging booster para mapagtagumpayan ito.

"Sa aking pamilya, mga mahal sa buhay, kaanak, katrabaho, kalaro, at lalo na kayong mga Kapuso, mga viewer, listener, at reader ko, at follower sa Instagram at Facebook, maraming maraming salamat po. Kayo ang aking naging lakas at sandigan," pasasalamat niya.

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Samantala, nagbigay rin ng mensahe si Arnold para sa mga negatibong pahayag tungkol sa kanya.

"Sa mga umaasa na ako ay lumalala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay. Nawa'y hindi ninyo maranasan ang naranasan ngayon ng marami sa Pilipinas at sa buong mundo. Kalakip ang kaliwanagan ng isipan at mabatid na tayong lahat ay may pananagutan sa piling Niya," dagdag niya.

Nagbigay ng maraming aral para kay Arnold ang parte na ito ng kanyang buhay. Kaya naman, aniya, asahan na "isang mas matalino at mas mabuting nilalang ang magbabalik."

"Misyon kong maging instrumento ni Ama sa gitna ng pandemic, ang ikalat natin ay ang pagmamahalan at hindi galit, kalinga at hindi inggit, pag-asa at hindi kalungkutan, katotohanan at hindi paninira't kasinungalingan. Maging handa tayong lahat," pagtatapos ng TV host.

Noong January 9 ibahagi ni Arnold na positibo siya sa COVID-19.

Samantala, narito ang ilan pang celebrities at personalities na nagpositibo sa COVID-19 ngayong January 2022: