GMA Logo Luane Dy
Photo source: @luziady (IG)
What's Hot

Luane Dy, ibinahagi ang naging karanasan nang magpositibo ang pamilya sa COVID-19

By Maine Aquino
Published February 2, 2022 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP probes security firm in QC car dealership shooting
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Luane Dy


Alamin ang naging experience ng Kapuso host na si Luane Dy sa COVID-19.

Isa sa mga tinamaan ng nakakahawang COVID-19 ang pamilya ni Luane Dy.

Sa kanyang interview, ibinahagi ng Kapuso host ang naging experience niya nang magpositibo ang kanyang buong pamilya.

Ayon kay Luane, nagpapasalamat siya na kahit sila ay nagpositibo sa COVID-19, mild lang ang kanilang sintomas.

"Okay naman, buti na lang mild lang. 'Di rin namin alam kung saan nanggaling at kung paano kasi we don't really go out so hindi namin alam. May nakapasok yata sa amin na virus bigla."

Luane Dy

Photo source: @luziady

Kuwento pa ng Kapuso host, unang tinamaan ang baby nila ni Carlo Gonzalez na si Christiano.

"Nakakatakot kasi pero parang nauna si Christiano. 'Yung baby 'yung unang nakakuha pero parang mabilis lang sa kanya. Parang 24 hours, after 24 hours okay na siya."

Bilang mommy, nakaramdam siya ng takot nang malaman niyang pati ang anak niya ay tinamaan ng sakit.

"Una sa lahat sobrang takot kami, sobrang napapraning kami, especially sa mga bata kasi sila 'yung wala pang bakuna."

Dugtong pa niya, "Okay lang na sa amin na lang 'yung mas mahirap na pinagdaanan."

Ibinahagi rin ni Luane ang kanilang ginawa sa kanilang bahay habang nagpapagaling.

"Para kaming preso, kanya-kanyang kuwarto kasi naka-isolate lang kami. Talagang nakakulong tapos dadalhan nal ang kami ng food tapos lahat disposable. Nakakabato kasi nakakulong ka lang sa kuwarto."

Saad ni Luane, nagpapasalamat siya sa kanilang paggaling nang siya ay mag-birthday nitong January 25.

"Birthday gift 'yun sa akin na nakalaya na kami noong birthday ko."

Samantala, kilalanin ang iba pang celebrities na nagpositibo sa COVID-19 nitong January 2022: