GMA Logo pen medina
What's Hot

Pen Medina, safe at successful ang spinal surgery

By Nherz Almo
Published July 24, 2022 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

pen medina


Nagpasalamat ang anak ni Pen Medina na si Ping sa mga nagdasal para sa kaligtasan ng kanyang ama.

Nagpaabot ng pasasalamat ang batikang aktor na si Pen Medina sa mga doktor na umasikaso sa kanyang spinal surgery, na matagumpay na isinagawa sa kanya kamakailan.

Sa pamamagitan ng post ng kanyang anak na si Ping, nagpasalamat din si Pen sa mga nagdasal para sa kanyang kaligtasan.

Aniya, Praise God for making my spinal surgery safe and successful. Maraming salamat sa aking Spine Surgeon Dr. Romel Estillore at kanyang team, my Anesthesiologist Dra. Lota Ticman at sa aking Ortho Doctor Dr. Misael Ticman, sa kanyang walag sawa at walang pagod na pagtulong at pag-alalay sa amin.

"Hindi pa po tapos ang aking laban. I will be needing more prayers as my medical team addresses the accompanying infection.

"Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa akin.

"Maraming salamat!"

Noong nakaraang linggo lamang nang manawagan ang mga anak ni Pen na sina Ping at Alex para humingi ng tulong sa gagawing spinal surgery sa kanilang ama. Ayon sa kanila, ilang linggo nang hindi makaupo at makatayo ang veteran actor dahil sa Degenerative Disc Disease.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Ping dahil naging matagumpay na operasyon ng kanyang ama.

Sa caption ng post, sinabi niya, "I rarely get gifts for my birthday. Didn't expect to get one today 🙏💜 "

Thank you for all your healing vibes we still have a long road ahead but we will never forget all your love and generosity!"


SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA MAY RARE MEDICAL CONDITIONS SA GALLERY NA ITO: