Article Inside Page
Showbiz News
Usap-usapang isang mamahaling relo ang surpresa ni Heart para sa kanyang fiancé. Totoo ba ito?
By CHERRY SUN
Dalawang personal celebrations ang naghihintay para kina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero ngayong mga nalalapit na linggo.
Sa February 12 pa lang ay pupunta na raw ang engaged couple sa Balesin Island. February 14 kasi ang 30th birthday ni Heart, samantalang kinabukasan naman nito ay ang kanilang pag-iisang-dibdib.
Usap-usapang isang mamahaling relo ang surpresa ni Heart para sa kanyang fiancé.
Paglilinaw niya sa
24 Oras, “Ay, hindi!”
“I had to order it 6 months before kasi pinagawa ko pa siya especially for him. Customized siya. Bale dalawa regalo ko kasi Valentine’s day 'tsaka wedding. Masusuot niya araw-araw, para lagi niya akong maalala,” dagdag ng soon-to-be Mrs. Escudero.
Ready na rin daw ang regalo ni Chiz para sa Kapuso bride-to-be.
Aniya, “Simple lang, basta maaalala mo.”
Kwento rin ni Heart, wala na raw siyang mahihiling pa para sa kanyang kaarawan.
“Happy na ako na nandun mga kapatid ko, nandun ‘yung mga kaibigan ko. Lahat lahat kami, all at once, magkasama kaming lahat so it’s going to be epic, memorable,” wika niya.
Ngayong gabi ay ang Despedida de Soltera ni Heart na dadaluhan ng kanyang mga kamag-anak. Maliban dito, ang isa pang inaabangan ng
Startalk host ay ang espesyal na wedding cake na mula raw sa mga kaibigan niya sa showbiz.
“Sila Direk Rico, mga taga-GMA, meron daw silang surprise para sa akin so hindi ko rin alam. Pero, all I want is something that’s very simple,” pahayag niya.