What's Hot

Heart at Chiz, personal na hiniling na maging ninang si Mel Tiangco

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2020 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



One of the Philippine's most respected broadcasters and the Executive Vice President of Kapuso Foundation, Mel Tiangco, is Heart and Chiz's newest ninang. 
By CHERRY SUN


Ang award-winning broadcaster ng GMA Network at Kapuso Foundation Executive Vice President na si Mel Tiangco ang pinakabagong ninang sa listahan ng wedding sponsors nina Startalk host Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Personal na inimbitahan nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero na maging ninang si Tita Mel. 
 
Honored daw ang 24 Oras news anchor dahil itinuturing din siyang ikalawang magulang ni Heart.
 
Aniya, “Serious sa akin ‘yung role ng ninang sa kanyang mga inaanak.”
 
“Nililigawan pa lang ni Senator Chiz si Heart, maaari ko nang sabihin, ay walang katapusan ang aking mga pangaral, ang aking payo, ang aking mga paalala kay Heart,” dugtong niya.
 
Pagpapatunay naman ng Kapuso TV host at actress, “Noong mga times na nangangailangan ako ng support, [noong] siyempre my mom wasn’t there, nag-aaway kami, she was always [there], she would text me. Nagkakasalubong kami sa GMA, she would hold my hand and she would say something to me that would really make a difference with kung ano man ‘yung pinagdadaanan ko noon.”
 
Dagdag naman ni Sen. Chiz, “Natutuwa kami na tinanggap at um-oo siya sa kahilingan namin na tumayo siya bilang isa sa mga ninang namin.”
 
Natupad man ito ay may nangunguna pa rin sa wedding wish list ng Kapuso bride-to-be.
 
Pahayag ni Heart sa Unang Hirit, “Siyempre 'yung pumunta doon ‘yung daddy ko at saka mommy ko.”